Marso 12, 2022- Pinangunahan ni Mayor Raymund “Doni” Salvacion ang pagbubukas ngayong araw ng pinakabagong Mobo Municipal Tricycle Terminal na matatagpuan sa Barangay Tugbo, Mobo, Masbate.Muling pinatunayan ni Mayor Doni na talagang ang kanyang ipinangako ay natutupad kung talagang gugustuhin at magtutulungan ang bawat isa. Nais niyang mabigyan ng legal na terminal ang ating mga tricycle drivers at para na rin maging komportable ang ating mga commuters.

Binigyan niya rin ng puhunan ang Mobo Drivers & Operators Cooperative mula sa kanyang sariling bulsa at 5 kilo ng bigas. Samantala, kasama niya rin ang TeamDoniJaypee2022 na sila SB Jaypee Lim, SB Julius Aban, SB Elly Bustamante, PB of Marintoc Isidro De Mesa, PB of Mandali Maricar Bolon, Former SB Member Aldous Pitos, Former SB Member Mike Villamor, Tourism Officer Ryan Jerusalem, MIO Officer Ronald Tauto-an. Labis din ang kanyang pasasalamat kay Mr. Jerome Po, City Traffic Officer Roy Rosero, CDA Provincial Head Yvonne Gulisino, Barangay Officials of Tugbo sa pangunguna ni PB Dominguito Apaya, GM & Chairman of Mobo Tricycle Drivers & Operators Cooperative, Mobo MPS at iba pa.